Saturday, February 7, 2009

Kay Buti Mo


Katapatan mo O Diyos tunay
At dakila
Ang pag-ibig Mo’y wagas
At walang kapantay
Sa aking puso sa aking buhay
Papuri’t pag-samba’y iaalay
Bukas, noon, ngayon
magpakailan manLuwalhatiin ka


Panginoon,
kay buti mo sa akin
Ikaw lamang ang tangi
kong sasambahin
Aawitan kita, at Pupurihin
Panginoon, kay buti mo sa akin


Kasama natin ang Diyos


Kasama natin ang Diyos
Di ako mangangamba
Di ako mababalisa
Kasama natin ang Diyos


Kasama natin
ang Diyos
Di ako malulungkot
Di ako matatakot
Kasama natin ang Diyos


Dumaan man ako
sa ilog
Di ako malulunod
Dumaan man ako
sa apoy Di ako masusunog

Kalakasan ko ay Ikaw

Kalakasan ko ay Ikaw
Kalakasan ko ay Ikaw
Kalakasan ko ay Ikaw
At kagalakan sa
twi-twina

Kahanga-hanga Ka

Kahanga – hanga ka aming Panginoon
Kami’y putikan ng sala kami ay iniahon
At binuhusan mo maging ng iyong buhay
Ikaw ang puno ng pag – ibig

Manunubos ng buong daigdig magpakailan man.
Kahanga – hanga Ka Panginoon
walang hanggang hallelujah
Aawitin mula ngayon Kahanga-hanga ka,
Kordero ng kaligtasan purihin ka, pupurihin ka

Kahanga–kahanga Ka, makapangyarihan Diyos
Tanging sa’yo ang pagsamba’t pagpupugay
Sa kabila ng lahat, kami’y inibig ng taos at binayaran
Mo maging ng iyong buhay

Ikaw ang Syang dakilang tunay
Tagapagligtas na nabubuhay magpakailan pa man.
Kahanga – hanga Ka Panginoon
walang hanggang hallelujah

Kabanal-banalang Diyos

Kabanal-banalang Diyos
Walang katulad Mo lahat ng tuhod
sa Iyo ay luluhod

Lahat ng labi magsasabing
Ikaw lamang Hesus ang Panginoon